Nabuking! Atty. Glenn Chong isiniwalat ang koneksyon ng "mahiwagang squares" sa ballot image sa BBM-Robredo recount
Sa ikalawang pagdinig ng Senado patungkol sa umano’y dayaan sa eleksyon sa ilalim ng Commission on Election (Comelec) at Smartmatic noong Lunes ay lumabas ang tinawag na “mahiwagang squares” ni Atty. Glenn Chong.
Kinuwestyon ni Atty. Chong kung bakit mayroong squares ang mga decrypted images, bagay na hindi nasagot na maayos ng Comelec sa naturang pagdinig.
Ang mga lumabas na squares na ito ay nakita sa decrypted images, na siyang dapat na pictures o mga larawan ng mga actual na paper ballots o saktong kopya na wala namang squares.
Itinanggi ng Comelec na hindi nito inanunsyo ang pagkakaron ng squares sa decrypted images, bagay na tinanggi ng IT experts- hindi umano nila ito alam.
“We were not apprised of any information that there will be an insertion or deletion on the image. Based on our review, that image should be a complete faithful reproduction, there should no alterations, insertion or deletion. If there’s any insertion or deletion of any image on that image ballot, that would render that image questionable. Because you now have the ability to edit.” ang naging tugon ng IT expert na si Ivan Uy
Sa kanyang panibagong Facebook post ay inalala ni Atty. Chong ang naging mungkahi noon ng abogado ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal na gamitin nalang umano ang ballot images sa recount upang mapabilis ang protesta ni dating Senador Bongbong Marcos.
Ngunit, ayon kay Chong, tumahimik itong si Macalintal simula ng mahalungkat sa Senado ang tungkol sa decrypted images na may squares.*
“Pero nang ibinulgar ko na hindi talaga tugma ang orihinal na balota at ang ballot image nito dahil sa mga mahiwagang squares na pabago-bago naman ang palusot ng Comelec, tumahimik na si Atty. Macalintal.” Ayon sa abogado.
”Gusto nilang ang ballot images ang gagamitin sa revision dahil madali itong burahin, pakialaman at palitan.” Dagdag niya.
Narito ang kanyang buong Facebook post:
MAHIWAGANG SQUARES
Isang araw bago mabuking ang riding in tandem na pumapaslang sa ating demokrasya, inimungkahi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Leni Robredo, na gamitin na lang ang ballot images o larawan ng bawat balota na kinuha ng makina upang mapabilis diumano ang protesta.
Pero nang ibinulgar ko na hindi talaga tugma ang orihinal na balota at ang ballot image nito dahil sa mga mahiwagang squares na pabago-bago naman ang palusot ng Comelec, tumahimik na si Atty. Macalintal.
Gusto nilang ang ballot images ang gagamitin sa revision dahil madali itong burahin, pakialaman at palitan. Ang pagkawala ng sequence numbers ng ilang mga ballot images at pagdagdag ng sequence numbers sa hulihang bahagi ng listahan ng mga ballot images ay malinaw na palatandaan ng tampering ng mga ballot images.
Kung hindi ito nabulgar... makakalusot ang mas malaking dayaan kahit pa tapos na ang halalan.
Source: Glenn Chong
Loading...
No comments: