Kontrobersyal! Atty. Glenn Chong, idinetalye kung paano sya sinubukang patahimikin sa Senate hearing para mapigilan ang bagong rebelasyon



Sa kanyang panibagong Facebook post, inilabas ng matapang na abogado na si Atty. Glenn Chong ang kanyang panibago na namang rebelasyon na aniya ay matagal ng ginagawa ng sindikatong Comelec-Smartmatic.

Ikwinento rin ng magaling na abogado kung paano sinubukang pasinungalingan o "sirain ang kredibilidad" ng kanyang mga isiniwalat noong nagdaang Senate hearing kaugnay ng dayaan sa halalan.
Advertisement
Ika nya, ipinalabas ni Fiona (bansag ng ibang mga netizen kay Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog) "ang mga sulat ni Atty. George Garcia at mga larawang diumano ay magpapatunay na ako ay pakawala ni BBM upang sirain ang kredibilidad ng aking mga isiniwalat sa hearing".

Paniwala ni Atty. Chong, ang ginawang ito ni Laurio ay taktika o patibong lamang upang mapaghandaan sya ng kanyang mga kalaban.

"Sa aking isipan, ito ay patibong lamang upang sagutin ko sa social media bago ang susunod na hearing at makapaghanda sila", sabi  nito.

Subalit dahil hindi nahulog sa patibong ang wais na abogado, nasira umano ang 'script' ng mga ito.

"Dahil hindi ko kinagat ang kanilang patibong, binago naman nila ang kanilang script", dagdag pa nya.

"Sa halip na ako ang puntiryahin sa hearing, gagawin nila akong flower pot o decoration at hindi papagsalitain. Kung hindi lang kay Tito Sen, nagtagumpay talaga sila sa kanilang balak", pagpapatuloy ni Atty. Chong.

Matapos ito, idinetalye na ng abogado na tagapagtaguyod ng malinis na halalan kung paano umano nagtangkang ayusin ng mga kalaban ang pinsala na idinulot ni Atty. Chong sa sindikatong Comelec-Smartmatic.

"Ang bagong script nila ay aayusin nilang muli ang sira-sirang imahe at reputasyon ng sindikatong Comelec-Smartmatic", ika nya.

Dito rin naganap ang hindi pagtawag sa kanya ng senador na si Koko Pimentel sa kabila ng ilang beses nitong pagtataas ng kanyang kamaay para makapagsalita. Bagay na nagmistulang paraan upang sya ay mapatahimik.

Paglalahad ni Atty. Chong, "Pinuno nila ng mga tauhan at kaalyado ng sindikato ang panel of resource speakers upang makontrol nila ang discussion at hindi na kami makaporma. Inilagay pa ako sa kalagitnaan ng mga kalaban. Siyempre, kinuha ko ang aking name plate at lumipat sa aking mga kasama".

Ayon sa kanya, nahulaan nyang mangyayari ang nabanggit nya pagdating ng araw ng hearing kung kaya 't nakapag-isip sya ng paraan paran ito masolusyunan.

"I correctly guessed na baka ito nga ang mangyayari sa araw ng hearing kaya kinausap ko ang aking kaibigan upang pumunta sa hearing at siya ang magsasalita kung sakaling hindi ako papagsalitain – kumbaga backup. Exactly, yun ang nangyari. Masaya naman ako at nakapagsalita siya ng todo. Nasupalpal pa si Sixto. Expired na pala ang kanyang batas!", ika ng mahusay na abogado.

"But God works wonders. Kahit pa binalak nila akong patahimikin, nakalusot pa rin ako dahil uli kay Tito Sen. Kaya nakalusot pa rin ang panibagong pasabog na ito", sabi pa nito.

Sa puntong iyon, inihayag na ni Atty. Chong ang kanyang panibagong rebelasyon na muntik harangin — bagay na hindi napagtagumpayang maisakatuparan ng mga kalaban ng abogadong walang inuurungan.

Punto ni Atty. Chong, sinabi raw ng COMELEC o Commission on Elections sa publiko na nakuha ng 'hackers' ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante. Ngunit paglilinaw nya, ang sinabi ng komisyon na mga 'hackers', ay ang mismong sindikato din.

"Huli na naman ang Comelec na nagsisinungaling. Sabi nila hindi nakuha ng mga hackers ang biometrics ng mga botante. Ang laptop sa larawang ito ang patunay na kompleto ang nakuha nila. At ang hackers ay walang iba kundi ang sindikato rin", ayon kay Atty. Chong.

Pagsisiwalat pa nito, ang naturang paglalako ng voters' database ay matagal ng ginagawa. Subalit, pinalabas nilang 'hacked' ito na syang ginamit nilang cover-up: ang Comeleak.

Matatandaang ang Comeleak ay pumutok sa publiko taong 2016, anim na linggo na lamang bago ang halalan o national elections.

Paliwanag ng COMELEC dito, na-hack diumano ang kanilang website kung kaya nag-leak ang mga pribadong impormasyon ng mga rehistradong botante.

Narito ang kabuuan ng Facebook post ni Atty. Glenn Chong:

NASIRA ANG SCRIPT NG SINDIKATO

Sa blog ni FIONA, ipinalabas niya ang mga sulat ni Atty. George Garcia at mga larawang diumano ay magpapatunay na ako ay pakawala ni BBM upang sirain ang kredibilidad ng aking mga isiniwalat sa hearing. Sa aking isipan, ito ay patibong lamang upang sagutin ko sa social media bago ang susunod na hearing at makapaghanda sila.

Dahil hindi ko kinagat ang kanilang patibong, binago naman nila ang kanilang script. Sa halip na ako ang puntiryahin sa hearing, gagawin nila akong flower pot o decoration at hindi papagsalitain. Kung hindi lang kay Tito Sen, nagtagumpay talaga sila sa kanilang balak.

Ang bagong script nila ay aayusin nilang muli ang sira-sirang imahe at reputasyon ng sindikatong Comelec-Smartmatic. Pinuno nila ng mga tauhan at kaalyado ng sindikato ang panel of resource speakers upang makontrol nila ang discussion at hindi na kami makaporma. Inilagay pa ako sa kalagitnaan ng mga kalaban. Siyempre, kinuha ko ang aking name plate at lumipat sa aking mga kasama.

I correctly guessed na baka ito nga ang mangyayari sa araw ng hearing kaya kinausap ko ang aking kaibigan upang pumunta sa hearing at siya ang magsasalita kung sakaling hindi ako papagsalitain – kumbaga backup. Exactly, yun ang nangyari. Masaya naman ako at nakapagsalita siya ng todo. Nasupalpal pa si Sixto. Expired na pala ang kanyang batas!

But God works wonders. Kahit pa binalak nila akong patahimikin, nakalusot pa rin ako dahil uli kay Tito Sen. Kaya nakalusot pa rin ang panibagong pasabog na ito.

Huli na naman ang Comelec na nagsisinungaling. Sabi nila hindi nakuha ng mga hackers ang biometrics ng mga botante. Ang laptop sa larawang ito ang patunay na kompleto ang nakuha nila. At ang hackers ay walang iba kundi ang sindikato rin. Matagal ng nilalako ang voters’ database sa mga kliyenteng politiko. Kailangan lang nila ng cover. Ito ang Comeleak. Pinagloloko lang talaga tayo.

Hindi sumagot ang Comolect sa pontong ito.

Basahin dito ang open letter ni Jover Laurio na tinukoy ni Atty. Chong na 'Fiona'.

Samantala, narito naman ang mainit na naging sagot ni Atty. Chong kay Laurio:

SAGOT KAY JOVER LAURIO

Dear Ms. Jover Laurio,

Akala ko ba ay may modicum of decorum kayo sa pagsusulat. Reading your letter, it seems that even the most rudimentary courtesies of the streets do not apply in your case. While I do not wish to stoop down to your level, I am more than compelled na hindi umatras ng kahit isang pulgada man lang ng lupa sa pakikipaglaban sa mga mandaraya sa halalan. Let's begin.

Bakit kayo nagreply sa akin gayong hindi ko naman kayo sinulatan? Nagpapapansin kayo o gusto ninyong sumawsaw lamang sa isyung wala naman talaga kayong alam?

Mali pa ang spelling ng pangalan ko. At hindi po privilege speech yan – ang tama ay privileged, as in my “D” sa dulo.

Sabi mo nag-aral ka muna sa isyu bago sumulat. Well, your letter unmask your utter want of study. Kulang po ang inyong pag-aaral. Mali-mali pa. Here’s why?

Reading from your letter from the uplands to the lowlands, Biliran can be traveled from point A to point B in less than 6 hours anywhere across the island and even around the island. Therefore, the premise or example na sinabi mo sa inyong letter ay mali. Simula pa lang yan ha!

As I have said sa hearing, you can review the video for God knows how many times it will take your brain to understand my simple explanation, ang transmission infrastructure ay may 2 bahagi. Ang ipinakita ko sa hearing ay Part 1 lamang. The QUERY part. Hindi ko pa ipinakita ang Part 2. The TRANSMISSION part. I know how to wage my battle and I am not stupid to share it with you. Be that as it may, magpapadala lamang ang VCM ng QUERY kung may resulta na ito. At the point of Part 1, sa QUERY part pa lamang, may hawak ng resulta ang makina. And on May 8, 8.40 ng umaga, nang magpadala ng QUERY ang VCM sa Ragay, wala pang botohan. Bakit may resulta na siya?

Mahirap bang intindihin ang kababalaghang ito? For those with 100% functioning brains, it is easy and simple to understand. But for those with just 25% functioning brains, it is understandable that they will obviously grapple for understanding. Kaya ang katotohanan sa inyo ay imbento, drama at propaganda dahil nga 25% lang ng utak ang gumagana. This is perfectly natural for people of your kind!

And speaking of the clueless… Ano kamo ang CCS? Consolidating and Canvassing System? Consolidation yan, hindi Consolidating.

Sabi mo may mechanism ang software ng CCS na i-reject ang subsequent o sumunod na transmission. Kaya sabi mo “if the CCS logs can show that results have been received on the night of May 9 (after elections), then the early transmission na pinagkukuda mo ay isang malaking guni-guni.”

Something is really wrong with your brain, girl! Going by your own argument, sabi mo i-reject ng CCS ang subsequent o sumunod na transmission dahil ang tatanggapin lang niya ay yung nauna. This is the clear, logical and necessary consequence ng inyong statement.

In this regard, tama ka, girl. But not because your brain is working. It is due to sheer luck. Sinuwerte ka lang talaga. Now, let us look at Ragay. Ang presinto na ito ay nagpadala ng resulta noong May 8. This is the prior o naunang resulta. Ang resulta ng presintong ito sa araw ng halalan, May 9, ang siyang subsequent o sumunod na resulta. Gets mo ang reference in time?

Kaya ang peke at madayang resulta noong May 8 sa presintong ito ang siyang pumasok at tinanggap ng CCS at ang totoong resulta ng nasabing presinto sa araw ng halalan ang siyang ni-reject ng CCS. Ulitin ko, ang peke at madayang resulta noong May 8 ang nakapasok sa canvassing system dahil ang totoong resulta ay lumabas nang sumunod na araw pa, May 9. Nauhan ng peke ang totoong resulta. Ikaw na mismo ang nagsabi na ang subsequent o nahuling resulta ay siyang i-reject ng canvassing system.

Hindi na ako mag-aksaya ng panahon na ipaliwanag ang foreign access ni e360sync dahil nga nahirapan ka ngang intindihin ang simpleng transmission infrastructure, nangangahas ka pang magpaliwanag sa mas malalim pang isyu. Let your brain rest. It badly needs it. At huwag ka ng magtangkang magbakasakaling makapontos dahil sa swerte. Luck does not come in pairs.

8 taon na akong nagsusubaybay at masusing nag-aaral sa isyu ng dayaan. Ikaw, kahapon lang. Huwag naman maging sobrang ambisyosa ang bagong silang na matsing.

Discrepancy ng resulta kamo hanap mo? Sige, for your viewing pleasure, pumunta ka sa Lunes, August 6 sa alas 10 ng umaga sa Claro M. Recto Room ng Senado sa second floor. I promise you, ipapaupo kita sa hanay ng mga resource speakers. Kakausapin ko ang Committee Secretariat. I will give you the best seat in house. Magtanong ka at gisahin mo ako total, kaalyado naman ninyo si Sen. Drilon, he can always give you his time. Let me know kung game ka. And when you are there, try your dumbest best to destroy me. I will let you eat dust, baby.

Ipinakita mo ang sulat ni Atty. George Garcia with a caption sa taas na “RESIBO.” Tagalog na yan ha, di mo pa rin gets ang kahulugan? My God, where art though in the brains of this girl? Ang ibig sabihin ng resibo ay patunay na may tinanggap ang pumirma. Si Atty. Garcia ang pumirma. So therefore, resibo niya ito, hindi akin kasi hindi naman ako pumirma dito. This is as far as logic will take us. See, you are indeed absurd!

Sa kataga namang “sent” sa nasabing sulat ni Atty. Garcia, iba ang “sent” kaysa “present.” They sent me. But were I present? Iba yung ipinadala ka. Iba naman yung nandoon ka nga. Hindi pa ninyo napatunayan na nandoon nga ako in relation to this particular letter.

As for the picture sa warehouse, hindi ako tulad sa inyo na ibinabandera ang bala bago pa man magsimula ang digmaan. Tiyak, samakalawa, pagsimula ng digmaan, talo na kayo kaagad dahil alam na ng kalaban ninyo kung anong bala meron kayo. Kabobohan!

Sa totoo lang, hindi ko nakita ang mga sulat ni Atty. George Garcia kung saan nandiyan ang pangalan ko. Pero dahil ipinakita na ninyo ito sa akin bago pa man magsimula ang bakbakan, bugbog kayo sigurado. Maraming salamat sa inyong kabobohan. It gives me superior advantage. Kaya it really pays to use one’s brains.

“Kung may history man ng pandaraya dito, hindi si VP Leni Robredo yun,” ito ang sabi mo. Narinig mo ba akong nagbanggit ng pangalan sa hearing kung sino ang nandaya? Si Comelec at Smartmatic ang target ko, hindi si Leni Robredo. Bakit ganyan ang feeling ninyo? Guilty lang ang nagrereact ng ganito dahil takot sa kanyang sariling anino.

Finally, you are sounding like the trumpet of Sixto Brillantes. Madaya ka ring bruha ka. Hindi mo ipinakita sa inyong blog na 4 lang sa 7 mga komisyoner ng Comelec ang pumirma sa pangunguna ni Andres Bautista. And as it stands now, si Abas na lang ang natira sa mga orihinal na pumirma. Anong probable cause mo gayong 1 komisyoner na lang ang natirang pumirma sa resolusyong hawak mo.

Para sa inyong kaalaman, ang testigo ni Brillantes laban sa akin ay isang swindler, estapador, palsipikador, child molester and drug peddler, all rolled into one. Sinong hukom ang maniniwala sa ganitong klaseng testigo na punulot lang ni Brillantes sa gutter.

At alam mo ba na yung testigo niya ay umamin sa akin na pinilit lang siya ni Brillantes na gumawa ng complaint-affidavit? At si Brillantes pa mismo ang sumulat ng complaint-affidavit. Pinapirma lang siya!

NOW, HERE IS THE HARD PART FOR YOU. WHAT YOU DID IS LIBELOUS. MALICE IS IMPUTED FROM THE FACT NA ITINAGO MO ANG DISPOSITIVE PORTION NG NASABING RESOLUTION KUNG SAAN MAKIKITANG 4 LANG ANG PUMIRMA HINDI 7 AT MAKIKITA ANG MGA DAHILAN NG PAGPIRMA AT HINDI PAGPIRMA NG MGA KOMISYONER NG COMELEC.

KAYA NGA HINDI UMUSAD ANG KASONG IYAN DAHIL HARASSMENT SUIT LAMANG NI BRILLANTES AT WALANG GUSTONG PUMIRMA MALIBAN NA LANG SA WALANG BAYAG NA SI ABAS.

KAPAG HINDI MO IPAKITA ANG BUONG RESOLUTION AT LINAWIN ANG ISYU, SASAMPAHAN KITA NG LIBEL DAHIL SA GINAWA MO.
Sponsor

Glenn Chong
(yan ang tamang spelling)


Sources: Atty. Glenn Chong


Loading...

No comments:

Powered by Blogger.