Sunday, April 6 2025

Isang Political Analyst galit at nanawagang I – abolish na ang CPD Law ni Trillanes dahil walang kwenta at pahirap lang!



Isang Netizen ang nagpahiwatig ng kanyang sama ng loob ukol sa pagpapatupad ng CPD Law sa mga ‘Professional’ na manggagawa na ang layunin ay makamit umano ang ‘Global Standards’ ng ASEAN Member states at mabigyan ng pagkakataon ang ating bansa nag mag representa ng dalubhasa sa kani – kanilang larangan, partikular na ang mga guro.
Advertisement
Ayon sa paglalarawan ng isang Netizen na kinilalang si Lyn Arab sa isa nitong komento sa Facebook, sinabi nito na:

“Ang seminar registration 6k pamasahe hotel pa food allowance… halos 10k din binigay ko sa anak ko. Para sa seminar sa General Santos City. Tas kulang pa ng points para maka renew ng lisensya sa med tech… wala pa ngang trabaho. Jusmio…trillanes. Bugok ka talaga. Hinayupak ka. Sweldo ng med tech so govt. pag reliever ka pa lang 8k lang… sa aming bulsa na parents kukunin ang pang seminar para makaipon ng points.”

Ganito din ang pagsumamo ng online Political Blogger na si Sass Rogando Sasot sa kanyang Facebook blog site na ‘For the Motherland’. Sa post nito, sinabi Sasot na “CPD Law ni Trillanes pahirap sa mga magulang ng mga nagsisimula pa lang na mga professionals! ABOLISH CPD Law!”

Magastos at hindi umano ito praktikal ayon sa karamihan dahilan nang mapipilitan ang mga ‘professional’ na manggagawa sa bansa na lumahok sa mga pormal na training at seminar para lamang makapag renew ng kani – kanilang Professional Identification Card bawat tatlong taon simula Hulyo 01, 2017.

Bagay na inaksyunan naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) kung kaya’t gumawa ang grupo ng petisyon upang ipawalang – bisa ang nasabing batas. Pebrero nitong taon nang pormal na maipasa ng ACT ang House Bill No. 7171 sa House of Representative upang tuluyan nang I – abolish ito.

Nakasaad sa pahayag nito na ang CPD Law ay “geared to benefit foreign corporations—not the professionals themselves nor the Philippine economy, aside from imposing multiple financial, logistical, and psychological burdens on teachers and other professionals.

“This government should no longer inconvenience our professionals in the name of business and foreign interests. We strongly urge the House of Representatives and the Senate to immediately hear and pass House Bill No. 7171 to repeal the CPD Act of 2016,” ayon sa mga representante ng grupo.
Sponsor

Si Antonio Trillanes IV ang isa sa mga pangunahing may akda ng kontrobersiyal na CPD Law.

Source:  Sass Rogando Sasot Facebook


Loading...

No comments:

Powered by Blogger.